-- Advertisements --

LA UNION – Muli na naman naiurong ang lockdown sa bansang Italy kaugnay ng coronavirus o (COVID-19) kung saan umaabot na sa 110,000 ang kaso doon.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay correspondent Rhodora Villlegas ito raw ang sinabi ni Prime Minister Giuseppe Conte kung saan ikatlong extension na ito sa lockdown sa nasabing bansa.

Una rito ay noong March 10 hanggang March 25 at March 25 hanggang April 2, at April 2 hanggang April 13.

Bagama’t marami na ang gumaling mula sa nasabing sakit ngunit mas marami pa rin ang namamatay dahil dito.

Ayon pa sa kanya, kapag ang taong nadapuan ng virus at namatay ay agad itong dadalhil sa sementeryo kung saan naroon ang crematory at kada 30 minuto ang pagitan ng bawat ililibing.

Samantala, nakabukas pa rin ang mga tindahan sa nasabing bansa at bagamat may pagtaas ang presyo ay affordable pa rin ang mga ito.

Dagdag pa nito, na nag-umpisa na rin ang gobyerno ng Italya na magbigay ng form para sa kanila kung saan mabibigyan ang mga ito ng kaukulang ayuda.

Gayundin ang POLO kung saan mabibigyan ng tulong sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga rehistradong OFW.