-- Advertisements --
Muling nagpa-alala ang Pagasa na paghandaan ang maulang weekend sa Luzon at ilang parte ng Visayas.
Ayon kay Pagasa forecaster Ana Clauren, kahit malayo sa lupa ang binabantayang low pressure area (LPA), umaabot naman ang extension nito hanggang sa Luzon at Visayas.
Huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 980 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Inaasahang lalakas pa ang namumuong sama ng panahon sa darating na weekend.
Sa pagtaya ng Pagasa, maaari pa itong umabot sa kategorya bilang mahinang bagyo.