Nakakaapekto ngayon ang extension ng binabantayang low pressure area (LPA) sa Visayas at Bicol region.
Ayon kay Pagasa weather forecaster Gener Quitlong, ang LPA ay huling namataan sa layong 1,135 kilometers silangan ng Virac, Catanduanes.
Posible umanong maging ganap na bagyo ang LPA bukas o sa Lunes.
Sakaling maging bagyo ay papangalanan itong “Hanna.”
Samantala, nag-isyu na rin ng yellow rainfall warning o inisyal na babala ng baha sa ilang parte ng Luzon dahil sa habagat.
Kasama sa yellow rainfall warning ang Metro Manila, Bataan, Cavite, Rizal at bahagi ng Zambales (San Antonio, San Felipe, San Marcelino, San Narciso, Castillejos, Subic at Olongapo).
Ang mga lugar na nasa ilalim ng babala ay magkakaroon ng malakas na pag-ulan na tatagal hanggang sa dalawang oras.
Dito ay pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar at ang mga malalapit sa river channels na maging aware dahil sa posibleng pagbaha.
Inaabisuhan din ang mga residente na mag-monitor sa weather condition at maging alerto.
Nag-anunsyo na ng suspensyon ng klase ang ilang lugar at pamantasan para sa araw na ito, August 3.
Ito ay dahil pa rin sa inaasahang sama ng panahon bunsod ng Habagat.
– Manila (lahat ng levels kasama ang graduate school)
– Polytechnic University of the Philippines (lahat ng Metro Manila branches, maliban sa Graduate School at College of Law)
– Rizal (lahat ng levels)
- Malabon (lahat ng levels)
- Mel Aguilar, Las Pinas walang klase (lahat ng levels)
- Quezon City (lahat ng levels)
- Caloocan (lahat ng levels)
- Valenzuela (lahat ng levels)
- Pasay (lahat ng levels)
- Paranaque (lahat ng levels)
- Malabon (lahat ng levels)
- Muntinlupa (lahat ng levels)
- Marikina (lahat ng levels)
- Mandaluyong (lahat ng levels)