-- Advertisements --
Nagbabala ang Pagasa ng patuloy na pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa extension ng isang low pressure area (LPA).
Ayon sa Pagasa, malayo pa sa bansa ang nasabing LPA, ngunit umaabot ang epekto nito sa Eastern Visayas, Caraga at Davao regions.
Dahil sa dalas ng ulan at malakas na buhos nito, maaaring magkaroon ng baha at pagguho ng lupa sa low lying areas.
Ang Metro Manila naman at mga karatig na lugar, kasama na ang Central Luzon ay maaaring makapagtala ng thunderstorm sa dakong hapon at gabi.