-- Advertisements --
Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa lahat ng mga kwalipikadong overseas Filipinos na hanggang ngayong Oct. 14 na lamang ang extended voters registration.
Ang overseas voter registration ay una nang nagtapos noong September 30 pero ito ay nagkaroon ng extension nang hanggang October 14 sa lahat ng mga Philippine embassies at consulates sa iba’t ibang dako ng mundo kasama na ang Manila Economic and Cultural Economic Offices (MECO) sa Taiwan.
Nagpaalala rin naman ang Comelec sa mga overseas voters na tinggan lamang ang DFA website para hanapin ang kanilang mga registration centers.