-- Advertisements --
gabriela partylist arlene brosas

Binigyang diin ni Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang 90 days extension ng SIM registration ay hindi solusyon sa problema dahil ang mismong batas nito ay may depekto.

Mayroon parin itong banta sa paglalabas ng personal na impormasyon ng milyon-milyong Pilipino sa mga scammers, third party at sindikato.

Dagdag pa ng mambabatas, imbis na maging solusyon ay mas lumala pa at dumami pa ang record ng data breach kahit sa mismong ahensya.

Isa pang problema ay ang posibleng pagkawala ng komunikasyon ng mga Pilipinong hindi nakapag rehistro ng SIM card dahil sa iba’t ibang valid na rason.

Kung matatandaan raw, ayon pa sa mambabatas nagkaroon ng data breach sa NBI at PNP kung saan nasa halos 1.8 million na personal information ang nakasalalay.

Binatikos rin ni Rep. Brosas ang pahayag ni Department of Information and Communication Technology (DICT) Sec. Ivan John Uy tungkol sa partial at gradual na pag deactivate ng SIM card, aniya wala ito sa RA 11934 o ang SIM registration law.
Top