-- Advertisements --

Napapanahon umano ang pagpapalawig sa serbisyo ni AFP chief of staff Gen. Rey Leonardo Guerrero dahil malaki umano ang hamon na  ang panahon ngayon lalo na ang kinakaharap na banta ngayon ng bansa mula sa mga foreign and local terrorists kabilang na ang CPP-NPA-NDF.

Sa panayam kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Marine Col. Edgard Arevalo, kaniyang sinabi  na lubos ang pasasalamat ni Guerrero kay Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy na pagtitiwala at kumpiyansa nito sa kaniya para mamuno sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

“General Guerrero is profoundly grateful to the President for the latter’s continued trust and confidence in his capability to lead the AFP,” wika ni Arevalo.

Samantala, tiniyak naman ni Arevalo na magagampanan ni Guerrero ang trabaho nito at maipatupad nito ang mga nakalinyang programa kahit anim na buwan lamang ito manatili sa pwesto.

Si Guerrero ay miyembro ng PMA “Maharlika” Class 1984 na  nag-assume sa pwesto noong October 26 kapalit ng nagretirong si Gen. Eduardo Ano.

Nakatakda na sana siyang magretiro sa serbisyo sa darating na December 17.

Aniya, ang extension sa serbisyo ni Guerrero ay magbibigay ng oportunidad para mapabilis ang pag-upgrade sa AFP capability kung saan inaasam-asam nito na maging world class Armed Forces na siyang source ng national pride.