DAGUPAN CITY- Handa umano ang ilang Board of Election Inspector (BEI) na i-extend ang kanilang working hours para sa voting period sa ilang mga lugar na nakararanas ng mga problema sa vote counting machines (VCMs).
Ayon sa ilang mga guro na nagsisilbing BEIs, kung bibigyan sila ng pahintulot at deriktiba ng COMELEC na mag extend ay kanila umanong susundin upang matugunan ang problema sa pagkaantala ng botohan.
Ilan kasing mga VCMs mula sa iba’t ibang bayan ang nagkaaberya kung kaya’t naantala rin ang sana’y maagang pagboto ng mga botante.
Sa bawat oras na pagkaantala ng botohan ay dapat isang oras din ang idadagdag sa voting period, ayon sa BEIs.
Batay sa normal na prosesong itinakda ng Comelec, dapat magsisimula ang voting period ng 6 a.m. at magtatapos ng 5 p.m, ngunit dahil sa mga naitalang aberya, nagresulta ang naturang botohan ng matinding delay sa ilang mga piling lugar.
Samantala, patuloy pa rin sa pagmo-monitor ang mga kinauukulan ng mga ulat tungkol sa pumapalyang mga VCM para sa kaukulang extesion ng voting period, kung kinakailangan.