-- Advertisements --
IATF Palace COVID GCQ Duterte cabinet

CEBU CITY – Inaasahan na umano ng mga Cebuanos ang extended na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa lungsod ng Cebu hanggang Hulyo 15 dahil sa tumataas na bilang mga COVID-19 cases.

Ito ang ikinumpirma muli ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na i-report ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque ang bagong quarantine classifications sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Una nito, muling binanatan ng Pangulo ang umano’y “katigasan ng ulo” ng mga Cebuanos, kung saan humantong ito sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa isla lalo na sa Cebu City bilang hotspot.

Ito lamang ang tanging lungsod sa bansa na bumalik at nananatili sa ECQ.

Ayon kay Atty. Rey Galeon ang spokesperson ni Cebu City Mayor Edgardo Labella, wala umanong dapat na ikabahala sa extension ng ECQ sa lungsod dahil handa ang pamahalaan.

Nasa P500 million umano ang naka-allocate na budget para sa COVID-19 response kung saan 80 barangay ang siguradong makakatanggap ng “ayuda.”

Giit ni Galeon, meron nang 200,000 sacks of rice ang ibinibigay sa kada household.

Dagdag pa ni Galeon, handa umano ang mayor at tiniyak pa na makakatanggap ng ayuda ang lahat ng Sugbuanon pati na ang mga renters.