Wala umanong plano si Carrie Lam, pinunong ehekutibo ng Hongkong na bawiin ang extradition bill sa kabila ng milyon-milyong nagsagawa ng malawakang kilos protesta sa nasabing bansa.
Sinabi ni Lam na ang panukalang ito ay mahalagang parte ng legislation sa Hongkong dahil makakatulong daw ito upang itaguyod ang justice system at siguraduhin na tumutupad ang Hongkong sa international obligations nito pagdating sa cross-boundary at international crimes.
Nagkaroon naman ng girian sa pagitan ng mga otoridad at nagprotesta matapos silang atakihin ng mga ito ng pepper spray.
Ang extradition bill ay isang panukalang batas kung saan papayagan ang mga hinihinalang kriminal na iuwi sa China upang doong isagawa ang paglilitis.
Patuloy naman ang panawagan ng mga mamamayan sa Hongkong na magbitiw na lamang sa pwesto ang kanilang pinuno.