-- Advertisements --
carrie lam
Hong Kong leader Carrie Lam is set to formally junk the extradition bill on Wednesday.

Inaasahan na ng milyon-milyong mamamayan sa Hong Kong ang pormal nang pagbasura ni Hong Kong chief executive Carrie Lam sa kontrobersyal na extradition bill na naging sanhi ng halos tatlong buwan na kaguluhan sa lungsod.

Ito ay taliwas sa utos ng Chinese government kay Lam na. huwag pakinggan ang hinaing ng mga nag-aalsa. Ang naturang panukala ay magbibigay daan sa China upang hawakan ang kaso ng mga kriminal na kasalukuyang nakapiit sa Hong Kong.

Nagpatawag umano si Lam ng pagpupulong kasama ang ilang pro-Beijing politicians upang ipaliwanag sa mga ito ang kaniyang naging desisyon upang tuluyang dinggin ang isa sa limang panawagan ng mga raliyista.

Inabot ng labing-tatlong linggo ang pangangalampag ng mga nag-aalsa sa ilang kalsada, government offices sa Hong Kong habang bitbit ang kanilang mga panawagan.

Naantala rin ang daan-daang scheduled flights ng Hong Kong International airport matapos manggulo ng ilang raliyista sa loob ng travel hub.

Kabilang na rito ang tuluyang paglaya ng kanilang lungsod mula sa ilalim ng pamumuno ng China at ang pagbaba sa pwesto ni Lam.

Una nang nanindigan si Lam na kahit anong panggigipit ang gawin ng mga nagpo-protesta ay hinding-hindi ito magbibitiw sa kaniyang pwesto bilang pinuno ng Hong Kong.