Tuluyan nang sumuko si Hong Kong Chief Executive Carrie Lam mula sa pagsusulong ni ng extradition bill sa Hong Kong.
Nag-uwi sa malawakang kilos protesta ang nais ni Lam na ipatupad ang nasabing panukalang batas kung saan hahayaan na bumalik sa mainland China ang mga kriminal upang doon isagawa ang kanilang paglilitis.
Sa news conference na isinagawa nito ngayong araw, inamin ni Lam na palpak ang kaniyang pag-amyenda sa panukalang batas.
Aniya, wala na rin daw itong plano na i-restart ang lehislatura. Handa rin daw si Lam na akuin ang responsibilidad sa nangyaring kaguluhan sa kaniyang syudad na pinamumunuan.
Umigting ang tensyon sa Hong Kong nitong mga nakaraang linggo matapos ang sunod sunod na kilos protesta ng mga mamamayan sa Hong Kong na tutol sa extradition bill.
Una nang sinuspinde ang panukalang batas na ito ngunit hindi pa rin tumigil ang mamamayan na ipagpatuloy ang kanilang pag-aalsa upang tuluyan itong ibasura ni Lam.
Nasa ilalim ng British colony ang Hong Kong noong 1997 hanggang sa naging kaisa ito ng special administrative region ng China sa ilalim ng “one country, two systems” framework.