-- Advertisements --
Itinakda sa Pebrero 2020 ang extradition hearing sa US ni Wikileaks founder Julian Assange.
Ang nasabing request ay inaprubahan ng Westminster court .
Sinabi ni Chief Magistrate Emma Arbuthnot na ang full extradition hearing ay maaaring tumagal ng hanggang limang araw simula Pebrero 25, 2020.
Sa kasalukuyan ay nahatulang makulong ng 50-linggo si Assange sa Belmarsh Prison sa south-east London dahil sa paglabag sa bail violaton matapos ang magtago sa Ecuadorian Embassy para maiwasan ang extraditon sa Sweden dahil sa kaso nitong rape noong 2012.
Magugunitang hinatulang makulong ang 47-anyos na si Assange dahil sa pagsiwalat ng mga mahalagang impormasyon ng US military.