-- Advertisements --

Payag na raw ang Canada na ma-extradite patungo ng US ang kontrobersiyal na Huawei chief financial officer nito na si Meng Wanzhou.

Una nang nagsampa ang US Justice Department ng criminal charges laban sa nasabing kompaniya at top executive.

Nais kasi ng Amerika na harapin ni Meng ang mga kaso dahil sa paglabag ng kanilang kompaniya sa mga sanctions na ipinataw sa Iran.

Pero umaalma ang China na ang kaso raw kay Ms Meng ay “abuse of the bilateral extradition treaty” sa pagitan ng Canada at US.

Nagprotesta pa si Foreign Ministry Spokesman Lu Kang na politika ang nasa likod na pagnanais ng Amerika.

Sinasabing ang justice department ng Canada ay merong hanggang ngayong linggo upang magdesisyon kung dapat o hindi dapat ituloy ang extradition case sa Canadian courts.

Ang iba pang kaso ni Meng sa Amerika ay bank fraud, obstruction of justice at theft of technology.

Ugat ng kaso ay matapos maaresto si Wanzhou noong Disyembre  habang ito ay nasa Vancouver airport.

Nabatid na paulit-ulit na iginigiit ng US lawmakers na banta sa kanilang national security ang Huawei dahil posibleng magamit ang technology nito sa pag-espiya ng Chinese government.