-- Advertisements --
Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio na ibinasura ng Timor-Leste Court of Appeals ang extradition request ng gobyerno ng Pilipinas para kay dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr.
Una nang naghain ang Pilipinas ng apela sa Timor Leste para maibalik ng bansa si Teves.
Si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa iba bang indibidwal na nadawit sa pamamaril.
Wala pang bagong komento ang DOJ hinggil sa naturang desisyon ng Timor-Leste Court of Appeals bagamat una nang sinabi ni DOJ Asec. Mico Clavano ang balibalitang kinatigan ng korte sa Timor Leste ang apela ng kampo ni Teves.