Kinumpirma ng Department of Justice na natapos na noong nakalipas na linggo ang extradition trial laban kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa Timor Leste.
Ayon sa ahensya, binigyan ng korte ang magkabilang partido ng sapat na oras para makapag sumite ng kani-kanilang mga posisyon at argumento.
Magsusumite muna ang Timor Leste Central Authority ng kaukulang Position Paper na siya namang susundan ng kampo bng dating mambabatas.
Limang araw naman ang inilaan ng korte para makabuo at maglabas ng kanilang desisyon.
Inaasahan naman ng DOJ na ilalabas ang desisyon ng korte sa Timor Leste sa huling bahagi ng buwang ito.
Samantala, tumanggi naman ang abogado no Teves na si Atty Ferdinand Topacio na magbigay ng assessment sa naganap na Extradition trial .
Ayon kay Topacio, ang naging pagdinig ay malinaw na biased and self-serving lamang.
Si Teves ang itunuturong utak sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso ng nakalipas na taon.
Nahaharap ang dating mambabatas sa patong-patong na kasong pagpatay dito sa bansa dahil sa naturang insidente bukod pa dito ang mga naganap umanong pagpatay noong 2019 na iniuugnay din sa kanya.