-- Advertisements --
Bumagsak sa warehouse ang isang F-16 fighter jet sa March Air Reserve Base sa Perris, California.
Swerte naman ang piloto na agad na nakapag-eject bago pa man ang tuluyang pagbagsak nito.
Nangyari ang pag-crash ng fighter jet sa dulong bahagi na ng runway.
Ayon kay Maj. Perry Covington, agad na isinugod sa ospital ang piloto at wala namang natamo itong major damage.
Kinumpirma naman ng base spokesman na si Reggie Varner na ang F-16 ay nagkaroon ng hydraulic failure na naging dahilan nang pag-crash.
Patuloy pang nag-iimbestiga ang mga otoridad kung merong nadamay sa binagsakan nito.
Nilinaw naman ni Mike Johnson, ang CEO ng kompaniya at may-ari ng ng warehouse, safe lahat ang kanilang mga kawani.