-- Advertisements --
Itinigil muna ng Taiwan ang paggamit ng kanilang F-16 fighter jet matapos ang insidenteng pagbagsak ng isang eroplanong katulad nito sa karagatan.
Ang F-16V isa sa mga advanced fighter jets ng Taiwan ay bigla na lamang nawala sa radar screen mahigit isang oras ng ito ay mag-take off.
Bahagi kasi ang nasabing fighter jets sa routine training flight sa kanilang base sa Chiayi City.
Kinilala naman ang piloto na si captain Chin Yi na isang 28-anyos na naging bahagi ng air force noong 2020.
Gumamit ang Taiwan ng tatlong helicopters at limang sasakyang pandagat ng coastguard para mahanap ang bumagsak na eroplano.