-- Advertisements --
F22 fighter jet
F22 fighter jet

Bumagsak ang isang US F-22 fighter jet habang nagsasagawa ng “routine training flight” sa Florida.

Ayon sa US Air Force,nangyari ang insidente sa training range 12 miles northeast ng base.

Walang anumang nadamay dahil agad na nakapag-eject bago bumagsak ang piloto nito.

Dinala na sa pagamutan ng Eglin Air Force Base ang hindi na pinangalanang piloto nito.

Itinuturing na isang most advanced fighter jets ang F-22 sa buong mundo.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing pagbagsak ng eroplano.