-- Advertisements --
Pormal ng nabigyan ng knighthood si 7-time Formula 1 champion Lewis Hamilton.
Pinangunahan ni Prince Charles ang paggawad ng knighthood sa 36-anyos na F1 champion na ginanap sa Windsor Castle.
Unang nalaman ng British champion driver na bibigyan siya ng pagkilala noong Disyembre 2020 ng matapatan niya ang record ni F1 legend Michael Schumacher.
Kung hindi aniya nagkaroon ng aberya sa Dubai F1 champion ay nakuha niya sana ang pang-walong titulo subalit nagkaproblema ito kaya tinanghal na kampeon si Max Verstappen.
Kasama nito ang ina na si Carmen na sumaksi sa pagtanggap ng anak ng pagkilala.
Ang knigthhood ay iginagawad sa mga mamamayan ng Briton na may nakakamit ng karangalan sa buong mundo.