Patuloy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagsasagawa ng mga programa na magpapalakas sa mga benepisyo ng mga 4Ps beneficiary.
Kabilang na dito ang pagpapatupad ng first 1,000 days (F1KD) of life conditional cash grant.
Ayon sa ahensya, hindi lamang ito para sa mga buntis kundi pati na rin ang batang nasa 0 hanggang 2 anyos pataas.
Sa isang pahayag ay sinabi ni 4Ps Social Marketing Division Chief Marie Grace Ponce na palalakasin ng F1KD ang mga nutrition benefits ng mga benepisyaryo ng 4Ps.
Paliwanag ng DSWD, kailangan lamang na tumalima ng mga 4Ps beneficiary sa mga kondisyon ng naturang programa para makapag avail ng buwanang F1KD grant.
Kaugnay nito ay hinimok ng opisyal ang mga kwalipikadong miyembro ng 4Ps na ugaliing i update ang kanilang profile sa i-Registro web portal.