-- Advertisements --
Suspendido ang face-to-face classes sa Malolos, Meycauayan, at Marilao, Bulacan mula Lunes, Marso 24 hanggang Miyerkules, Marso 26 dahil sa nationwide transport strike ng Manibela.
Kaugnay nito, inatasan ang mga mag-aaral na dumalo sa asynchronous/online distance learning na mahigpit na susubaybayan ng mga head at supervisor ng paaralan.
Ayon kay Malolos City Mayor Christian Natividad na sinuspinde niya ang face-to-face classes dahil mahuhuli ang mga estudyante sa kani-kanilang klase dahil sa nasabing transport strike.
Ipinaliwanag din ng alkalde na ayaw niyang makatanggap ng mga ulat na maraming estudyante sa mga lansangan o highway ang nagaantay nang mahigit isang oras bago sila makasakay para makarating sa paaralan.