-- Advertisements --

Kanselado pa rin ang face to face classes ngayong Martes, Marso 4 sa ilang lokal na pamahalaan dahil sa mainit na panahon.

Sa NCR, partikular sa lungsod ng Maynila, walang in-person classes sa lahat ng antas, public at private. Sa halip ipapairal ang alternative learning modality.

Sa lungsod ng San Juan, simula ngayong Martes Marso 4, ang mga klase sa umaga sa lungsod ay gaganapin mula 6 a.m. hanggang 10 am., habang ang afternoon classes ay mula 3 p.m. hanggang 7 p.m.

Layunin nito na mabawasan ang pagkakalantad ng mga mag-aaral sa pinakamainit na oras ng araw mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon gayundin para mabawasan ang panganib ng mga sakit na nauugnay sa init.

Samantala, ang pagsususpinde ng klase at class adjustment para sa mga pribadong paaralan sa elementarya, sekondarya, kolehiyo, at unibersidad ay nakasalalay sa kani-kanilang school administration.

Sa lungsod ng Marikina, ang educational institution, pribado man o public, ay ililipat sa “alternative delivery modality” sa lahat ng antas.

Ang executive order ng Marikina ay mananatiling may bisa hanggang sa panahong bumaba ang heat index sa ligtas na antas.

Suspendido rin ang klase mula elementarya hanggang senior high school sa ilang lugar sa ibang probinsiya.

Sa Cavite, tanging ang face-to-face classes ang kanselado sa public at private schools partikular sa Bacoor.

Sa Bataan, walang klase sa lahat ng antas sa public at private partikular sa Abucay, Hermosa at Orani