Inanunsyo ng Philippine Air Force (PAF) nitong Martes, Pebrero 4, na nawawala ang isa nitong FA-50 fighter jet habang nagsasagawa ng isang tactical night operation na sumuporta sa mga ground troops.
Tinukoy ni PAF spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo na nawalan ng komunikasyon ang eroplano sa iba pang bahagi ng flight nang madaling araw nitong Martes.
Ang insidente ay nangyari ilang minuto bago makarating ang jet sa target area.
‘Shortly after midnight on March 4, 2025, an FA-50 fighter jet, went missing during a Tactical Night Operations. The aircraft lost communication with the rest of the flight involved in the mission minutes before reaching the target area,’ pahayag ni Castillo.
Ayon pa kay Castillo paulit-ulit na nagsagawa ng paghahanap ang iba pang aircraft para ma-contact ang nawawalang fighter jet hanggang sa napilitan na silang bumalik sa Mactan, Cebu.
Sinabi pa ni Castillo na mayroong dalawang piloto sa bawat eroplano at ang mga piloto ay may suot na personal locator beacons. Subalit tumanggi siyang magbigay ng karagdagang impormasyon kung ang mga beacons ay nag-eemit ng signal.
Ang pagkawala ng FA-50 fighter jet ay itinuturing na kauna-unahang malaking insidente na kinasasangkutan ng isang fighter aircraft sa kasaysayan ng Philippine Air Force.
‘The PAF is conducting extensive and thorough search operations, utilizing all available resources, to locate the missing jet fighter aircraft. Our primary concern is the safe return of our aircrew’ ani Castillo.
Bagaman may pag-aalinlangan, nananatiling umaasa ang PAF sa kaligtasan ng mga piloto.
Hinihikayat din ng PAF ang publiko na makiisa sa panalangin, habang nagpapatuloy ang paghahanap sa nawawalang eroplano at mga crew nito.