-- Advertisements --

Suspendido muna ang lahat ng FA-50 fighter jets ng Philippine Air Force (PAF) matapos masangkot sa misfire kahapon sa Marawi City na ikinasawi ng dalawang sundalo habang 11 ang sugatan.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla, iniimbestigahan na ng binuong probe team ang insidente.

Sinabi ni Padilla na premature pang sabihin na nagkaroon ng pilots error.

Pagtiyak ni Padilla na mataas ang success rate ng FA-50 dahil lahat ng inilunsad na airstrike ay tumbok sa target.

Aalamin din sa imbestigasyon kung ang bomba na ginamit kahapon ay ang mga bagong bomba na binili kamakailan ng pamahalaan sa Estados Unidos.