-- Advertisements --
Napanatili ng bagyong Fabian ang kaniyang lakas habang ito ay patuloy na tinatahak ang hilagang bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, pinakahuling nakita ang sentro nito sa may 1,085 kilometers east northeast ng extreme Northern Luzon.
May taglay itong lakas na 75 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 90 kph.
Magdadala ng pag-ulan ang bagyo sa malaking bahagi ng bansa.
Bukod sa bagyo ay mayroong low-pressure area na binabantayan rin ang PAGASA na nasa 830 kilometers west ng extreme Northern Luzon o nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.
Inaasahan na tuluyan ng makakalabas sa PAR ang bagyo sa araw ng Martes.