Tinanggal na ng England ang face mask requirements at COVID-19 passes.
Sinabi ni United Kingdom Health Secretary Sajid Javid na naging epektibo na ang kanilang Plan B relaxation.
Kaya aniya nila ipinatupad ang pagrerelax ay dahil sa matagumpay na vaccination program nila.
Ang pagsusuot aniya na ng face mask ay magiging personal judgement na lamang at hindi rin babawalan ang iba na magsuot ito.
May ilang mga establishimento rin sa England ang hindi nagpapapasok ng mga kliyente kapag walang suot na mga facemask.
Ayon naman kay London Mayor Sadiq Khan na magiging mandatory pa rin ang face mask sa mga transport sa London.
Ipapaubaya naman nila sa ibang mga organisasyon kung kailangan nilang hanapin ang mga COVID-19 passes.
Hinikayat din ng Public health office ng London na magsuot ng face mask kapag magtutungo sa matataong lugar.