-- Advertisements --

Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa lahat ng examinees para sa Career Service Examination pen and paper test na requirement ang pagsusuot ng face mask at face shield para mapahintulutan ang mga ito na magpatuloy para sa nasabing pagsusulit.

Ayon sa komisyon, maaaring itaas o tanggalin ng mga examinees ang kanilang suot na face shield sa habang nag-eexam upang hindi ito maging sagabal sa kanilang paningin at pagbabasa ng mga test materials, ngunit binigyang diin nito na kinakailangang magsuot ng facemask ang mga ito sa lahat ng oras.

Kinakailangan din na makapagpakita ang mga ito ng orihinal o digital copy ng kanilang mga vaccination card o VaxCert issued ng Department of Health (DOH).

Dapat din na makapagpresenta ng negatibong resulta ng RT-PCR test ang lahat ng mga examinees lalo na ang ang mga hindi pa bakunado o partially vaccinated na mga examinees.

Bukod dito ay kinakailangan din na makapagsumite ng health declaration form ang mga ito 24 na oras bago ang mismong araw ng pagsusulit.

Paliwanag ng komisyon, ito ay upang maprotektahan ang lahat ng mga mag e-exam sa laban sa panganib na dala ng COVID-19.

Gaganapin ang naturang pagsusulit sa darating na Marso 13 na lalahukan naman ng may kabuuang 75,540 examinees na magtutungo sa 77 testing centers sa 16 na rehiyon para sa Career Service Examination, habang nasa humigit-kumulang nasa 81 porsiyento naman na may katumbas na 61,075 na mga examinees ang kukuha ng CSE Professional test, at Subprofressional level naman ang kukunin ng iba pang matitira.Top