Pinaplano ng Hong Kong government na muling buhayin ang emergency legislationna mula pa noong colonial era upang pigilan ang mga anti-government protests sa lungsod.
Mahigit 50 taon nang hindi nagagamit sa Hong Kong ang Emergency Regulations Ordinance.
Ipagbabawal na rin umano sa lungsod ng Hong Kong ang paggamit ng face masks para maiwasan na isuot ito ng mga raliyista sa pagtakip ng kanilang mukha.
Inaasahan na pormal nang iaanunsyo ang face mask ban sa oras na matapos ang meeting ng Executive Council.
Noong Hunyo, nang simulan ng mamamayan ang malawakang kilos-protesta na hindi sang-ayon sa extradition bill. Ang naturang panukala ay magbibigay kapangyarihan sa mainland China upang hawakan ang kaso ng mga kriminal na nakakulong sa Hong Kong.
Sa ilalim ng Emergency Regulations Ordinance, magkakaroon ng kapagyarihan si Hong Kong leader Carrie Lam na utusan ang mga otoridad upang magsagawa ng pag-aresto kung sakali na magdulot anng emergency o public danger ang kilos-protesta.
Huling nagamit ang batas na ito noong 1967 upang mapigilan ang marahas na protesta sa lungsod.