-- Advertisements --

(Update) ROXAS CITY – Nagkakaubusan na ngayon ng face masks at hand sanitizer sa ilang botika at drugstores sa Hongkong dahil sa novel coronavirus.

Ito ay basi sa ulat sa Bombo Radyo Roxas ni Bombo international correspondent Merlie Buño Protacio, tubong Barangay Milibili, Roxas City at nakabasi ngayon sa Hong Kong West Island Resort.

Aniya, mahigpit din silang pinagbabawalan ng kanilang mga employer na pumunta sa mga pampubliko at mataong lugar upang makaiwas sa naturang sakit.

Sinabi pa nito na may ilang pasyalan na rin ang pansamantalang ipinasara katulad ng ilang public libraries, museums, at resorts.

Ito ay kasunod na mayroon nang kumpirmadong kaso ng naturang sakit sa rehiyon.

Sa kabila nito, nananatili umanong positibo ang mga Pinoy at nag-iingat upang hindi madapuan ng naturang sakit.