-- Advertisements --
LA UNION – Bumalik na ang face-to-face classes ng mga estudyante sa Hong Kong.
Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo La Union ni BINC Emily Miranda, isang OFW sa nasabing bansa.
Sinabi nito na tapos na rin ang online learning at bumalik na ang face-to-face classes pagkatapos ng chinese new year celebration.
Gayunman, ang mga Grade-4 students hanggang kolehiyo pa lamang ang bumalik sa normal na face-to-face classes habang ang mga mag-aaral sa Grade-1 hanggang Grade-3 ay may schedule ang klase ng mga ito.
Sa kabila ng pagluwag ng mga health protocols, kinakailangan pa rin nilang magsuot ng face mask.