-- Advertisements --

ILOILO CITY – Magsisimula na ngayong araw ang face-to-face classes sa mga kolehiyo at unibersidad sa Iloilo City matapos ang dalawang taon na online learning modality.

Ito ay kasunod na rin ng pagpayag ng Commission on Higher Education (CHEd) na magsagawa ng face-to-face classes sa ilalim ng 1,000 degree programs ang 313 na mga kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Una nang sinabi ni CHED Chairman J. Prospero “Popoy” De Vera na papayagan ang face-to-face classes sa mga nasa ilalim ng pandemic Alert Level 1 kung saan 100 percent ang seating capacity.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Joselito Villlaruz, presidente ng West Visayas State University, sinabi nito na ang mga vaccinated lang na mga estudyante, teaching personnel at mga staff ang papayagan na bumalik sa eskwelahan.

Nilinaw rin nito na hindi mandatory ang pagdalo sa face-to-face classes at magpapatuloy pa rin ang delivery of education para sa napiling mag-online class.

Nilimitahan rin sa 50-70% ang capacity ng mga classrooms at nagpatupad rin ng mga alituntunin upang maiwasan na magkahawaan ng COVID-19.