Nagbukas na muli ang mga paaralan sa Seoul metropolitan area sa pamamagitan ng in-person classes simula ngayong Lunes.
Gayunman kailangan pa ring may sundin na panibagong patakaran habang bumababa na ang mga kaso.
Una nang inanunsiyo ni South Korean Education Minister Yoo Eun-hae ang return to school noong September 15 kasama ang ilang social distancing measures.
Batay sa panibagong patakaran ang mga kindergartens, elementary at middle schools ay hanggang one third lamang ng kapasidad ng paaralan ang papayagan na magklase.
Habang itataaas naman ito sa two thirds para sa high schools.
Bago ito ang ilang eskwelahan sa Seoul ay nagsasagawa na rin ng remote learning mula August 26 pero nakaranas naman nang pagtaas ng kaso sa coronavirus cases ang siyudad.
Iniulat naman ng Korea Centers for Disease Control and Prevention na nitong nakalipas na Linggo merong 70 bagong kaso ang naitala kung saan 55 sa mga ito ay natukoy na locally transmitted.