LAOAG CITY – Ipinaalam ni Mrs. Lizette Atuan, tagapangasiwa ng Provincial Public Employment Service Office na aarangkada ang kauna-unahang face to face job fair sa Ilocos Norte ngayong taon.
Ayon kay Atuan, sa Pebrero 9 ay magaganap ang nasabing programa sa isang malaking mall sa bayan ng San Nicolas partikular sa expansion at bahagi ito ng ika-204 founding anniversary ng Ilocos Norte.
Aniya, may 50 employers mula sa iba’t-ibang opisina , establishmento at business establishments sa probinsia ang naimbitahan upang makilahok sa nasabing aktibidad.
Kaugnay nito, sinabi ni Atuan na ito ang kailangan na bigyang pansin ng mga Ilocano para magkaroon ng pagkakataon na a makapagtrabaho sa kabila ng pandemiya.
Ipinaalam nito na 500 hanggang 1,000 trabaho ang naghihintay sa mga aplikante.
Samantala, ipinaliwanag ni Atuan na wala pang nakahandang trabaho para sa mga kababayan overseas dahil sa COVID-19.
Dagdag nito na kailangan laemng magdala ng mga aplikante ng requirements at unang magparehistro sa workin.ilocosnorte.gov.ph.