DAVAO CITY – Nagpalabas ngayong araw ng Executive Order No. 31 Series Of 2021 ang lokal na pamahalaan na nag-aatas sa lahat ng mga barangay, local and national government office events kabilang na ang government-owned and controlled corporation events.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa siyudad bawal na rin ang lahat ng face-to-face non-essential events gaya na lamang ng mga inauguration, anniversary, thanksgiving, ribbon-cutting, blessing, turnover, groundbreaking activity, launching program, salo-salo, birthday, press conference, oath taking program, photo opportunity, retirement honors, welcome honors, testimonial program, summer outing at lahat ng mga parehong aktibidad.
Papayagan lamang umano ang nasabing mga aktibidad sa pamamagitan ng online platforms.
Suspendido rin ang lahat ng mga face-to-face non-emergency essential government activities gaya na lamang ng trainings at seminars hanggang Agosto 31, 2021 ngunit papayagan ito sa pamamagitan ng online platforms only.
Samantala papayagan naman ang mga disaster at emergency activities kabilang na ang distribution ng financial, food at non-food items habang ang hindi related sa mga disaster o emergency event ay kailangan magsagawa lamang ng contactless delivery upang maiwasan ang mass gathering gaya ng pagbibigay ng livelihood kits, information materials, distribution ng government aid, community pantry, food aid at lahat ng parehong aktibidad.
Ang mga lalabag umano sa nasabing kautusan ay maaaring mahaharap sa multa base sa ordinansa ng siyudad.