-- Advertisements --
Tinanggal ng Facebook at Twitter ang video post ni US President Donald Trump tungkol sa maling impormasyon na hindi mahahawaan ang mga bata ng coronavirus.
Ang nasabing video ay mula sa “Fox & Friends” ng Fox News.
Unang tinanggal ng Facebook ang nasabing video at sumunod naman na gumawa ng hakbang ang Twitter.
Ipinatupad lamang ng dalawang tech giants ang mataas na standard sa kanilang platform.
Isa umanong misinformation ang nasabing pahayag tungkol pagkontrol ng pagkalat ng coronavirus.
Depensa naman ng kampo ng US President na nagsasabi lamang ang pangulo na ang mga kabataan ay malayong madapuan ng mga virus.