WASHINGTON – Ibinida ng social media giant na Facebook ang inilunsad nitong bagong software na may kakayahang makapag-translate ng 100 wika nang hindi dumedepende sa English.
Ayon kay Facebook research assistant Angela Fan, makakatulong ang bagong software para makapaghatid pa ng mas maraming content ang social network sa higit 2-billion users sa buong mundo.
Ito ay sa pamamagitan umano ng 160 languages na kayang ma-translate ng nasabing software na naka-base sa machine learning.
“This milestone is a culmination of years of Facebook AI’s foundational work in machine translation,” ani Fan sa isang blog post.
Mas accurate o tiyak daw ang bagong modelo ng software dahil hindi naka-depende ang translation nito sa mga katunog na English words.
“When translating, say, Chinese to French, most English-centric multilingual models train on Chinese to English and English to French, because English training data is the most widely available.”
Sa tala ng Facebook, aabot sa 20-billion translations kada araw ang average na kanilang hinahawakan sa news feed.
“Breaking language barriers through machine translation is one of the most important ways to bring people together, provide authoritative information on COVID-19, and keep them safe from harmful content.”(AFP)