Ipagbabawal na ng pamahalaan ng Russia ang paggamit ng Facebook sa bansa.
Ito ay dahil sa nilabag umano ng naturang pinamalaking social media company sa buong mundo ang mga patakaran ng Russia sa pamamagitan ng paglilimita nito sa online access sa state-backed media.
Sa isang statement ay sinabi ng media and telecoms regulator ng Russia na ito ay dahil sa nilabag umano ng naturang pinakamalaking social media company sa mundo ang mga patakaran ng Russia sa pamamagitan ng paglilimita anila nito sa online access sa state-backed media.
Bilang tugon dito ay sinabi naman ni Meta president Nick Clegg na ginagawa na ng kumpanya ang lahat ng kanilang makakaya upang muling maibalik ang kanilang serbisyo sa Russia ngunit hindi rin aniya magtatagal ay mawawalan din aniya ng koneksyon ang Russian users sa mga totoo at tamang impormasyon.
Magugunita na una rito ay in-anunsyo na ng Meta na iba-block nito ang access sa lahat ng Russian state media kasabay ng pag-aalis nito sa mga ad mula sa mga outlet na sinusuportahan ng Kremlin.
Bukod dito ay ini-demote din ng nasabing kumpanya ang lahat ng content na may koneksyon sa Russian state media sa kanilang online searches.
Ang desisyon, ng media at telecoms regulator ng Russia, ay ang pinakabagong hakbang sa mabilis na lumalalang standoff sa pagitan ng mga Western tech na kumpanya at Kremlin.
Matapos ang unang pag-drag sa kanilang mga paa nang salakayin ng militar ng Russia ang Ukraine noong nakaraang linggo, ang mga tulad ng parent company ng Facebook na Meta, Google at Twitter ay humarang sa pag-access sa Russian state media sa loob ng EU bilang tugon. Inalis din nila ang mga ad mula sa mga outlet na sinusuportahan ng Kremlin at ibinaba ang kanilang nilalaman sa mga online na paghahanap.