-- Advertisements --
Ipinaubaya na ng Oversight Board ng Facebook sa kanilang CEO na si Mark Zuckerberg kung papayagan pa nilang makabalik si dating US President Donald Trump sa paggamit ng kanilang social media platform.
Kasunod ito sa nalalapit na pagtatapos ng suspension ng Facebook sa account ni Trump dahil sa panghihikayat umano nito sa kaniyang mga supporters na lusubin ang Capitol Hills noong Enero 6.
Ayon sa board na dapat pag-aralang mabuti ng Facebook ang desisyon sa loob ng anim na buwan na nagsimula noong Enero 7.
Binatikos din ng board ang Facebook dahil sa pagpataw ng indefinite.
Binubuo ng 20 experts mula sa area ng free expression, human rights and journalism ang Oversight Board.