-- Advertisements --
Walang balak si Facebook CEO Mark Zuckerberg na tanggalin o i-delay ang livestream feeds feature ng nabanggit na social media platform.
Sinabi nito na kapag nadelay ang video ay magkakaroon ng limitadong views.
Depensa pa nito na ang livestreaming ay para sa mga tao na layon ay pagsamahin ang mga ito kahit na sila ay magkakalayo.
Hindi lamang ito broadcasting at sa halip ay isa itong “communicating” dahil nagkakaroon ng real time conversation at comments ang mga tao.
Ang nasabing panawagan ng pagtanggal at pag-delay ng videostream ay kasunod ng naganap na mosque attack sa New Zealand kung saan nag-live stream pa ang suspek bago isinagawa ang pamamaril.