Inamin ng Facebook na aaksidente nilang na-upload ang mga email contacts ng mahigit sa 1.5 million users ng walang anumang pahintulot.
Sa ginawang pag-amin ng higanteng social networking site, naganap umano ang “data harvesting” sa pamamagitan ng sistema na ginagamit sa pagtukoy ng mga bagong miyembro.
Paliwanag pa ng FB, tinanong daw kasi nila ang mga new users na ibigay ang password ng kanilang email account, na siya namang kanilang kinuha ang mga contacts.
Dahil dito, tiniyak ng Facebook na nagbago na sila sa diskarte upang hindi na maulit ang pag-upload sa mga contacts ng mga bagong users.
Doon umano sa mga users na ang mga contacts ay kanilang nakuha ay padadalhan ng abiso at saka gagawin na nila ang deletion.
Pinaniniwalaang ang “information grabbed” ay nagamit ng FB upang makatulong sa pagtukoy sa mga personal connections sa pagitan ng mga users.