-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Facebook founder Mark Zukcerberg na papalitan na nila ang pangalan ng kanilang kompanya.

Tatawagin na aniya ito simula ngayon bilang “Meta”.

Isinagawa nito ang anunsiyo sa virtual reality ng kompanya na naka-focus sa metaverse o Meta.

Sinabi nito na sa kasalukuyan kasi ay nakikita ang kanilang kompanya bilang social media company pero sa kanilang dugo ay sila ang kompanya na gumagawa ng teknolohiya para ikonekta ang mga tao.

Paglilinaw nito na mananatili pa rin ang kanilang social media apps gaya ng Instagram, WhatsApp at ang Facebook.