Humingi na ng paumanhin ang Facebook Inc sa nangyaring mistranslation sa pangalan ni Chinese President Xi Jinping mula sa mga posts sa Burmese language sa kalagitnaan ng kanyang pagbisita sa Myanmar.
Ang two-day visit ni Xi sa Myanmar ang kauna-unahang pagkakataon na may dumalaw na Chinese leader sa naturang bansa sa loob ng halos dalawang dekada.
Ngunit ang makasaysayang tagpo na ito ay nasapawan ng pagkakamali sa automatic translation feature sa Facebook sa Myanmar kung saan naisalin ang pangalan ni Xi Jinping mula Burmese sa English na “Mr Shithole”.
Lumabas ang error sa official Facebook page ng civilian leader ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.
“Mr Shithole, President of China arrives at 4 PM,” base sa naisaling anunsyo nitong Sabado. “President of China, Mr. Shithole, signed a guest record of the house of representatives.”
Ayon sa Facebook, naayos na raw ng social platform site ang isyu tungkol sa “Burmese to English translations”.
“We have fixed an issue regarding Burmese to English translations on Facebook and are working to identify the cause to ensure that it doesn’t happen again,” saad sa pahayag ng Facebook. “This issue is not a reflection of the way our products should work and we sincerely apologize for the offense this has caused.”
Sa ngayon ay kanila nang inaalam kung papaano nangyari ang maling translation sa pangalan ni Xi. (AFP/ Reuters)