-- Advertisements --

Humingi na ng paumanhin ang pamunuan ng Facebook matapos ang naganap na malawakang outage sa buong mundo.

Mula kasi pasado alas-sais ng gabi nitong Biyernes ay hirap na makatanggap at makapagpadal ng mensahe ang mga subscribers ng Facebook Messanger, Instagram DM o Workplace Chat.

Hindi naman binanggit ng kumpanya ang sanhi ng nasabing pagkasira ng mga messenger app na yan.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng problema ang Facebook dahil noong nakaraang mga taon ay nangyari na ito.