Ibinunyag ng dating empleyado ng Facebook sa mga mambabatas ng Estados Unidos na ang mga site at app ng kompaniya nila ay “nakakapinsala sa mga bata, pinahihinto ang dibisyon at pinahihina ang ating demokrasya.”
Ito ang mga puna ni Frances Haugen, 37, dating product manager ng Facebook at turned whistleblower sa isinagawang pagdinig sa Capitol Hill.
Nilinaw naman nito na may mga area pa rin sa kompaniya ang wala pa rin siyang kaalam-alam.
Nangyari ito sa gitna ng lumalaking pagsisiyasat sa higanteng social media at pagtaas ng mga panawagan para sa regulasyon nito.
Ang Facebook ang pinakatanyag na site ng social media sa buong mundo.
Sinabi ng kompaniya na mayroon itong 2.7 bilyong buwanang mga aktibong gumagamit.
Daan-daang milyong mga tao ang gumagamit din ng iba pang mga produkto ng kompanya, kabilang ang WhatsApp at Instagram.
Ngunit pinuna ito para sa lahat mula sa pagkabigo raw na protektahan ang privacy ng mga gumagamit hanggang sa hindi sapat na paggawa upang mapahinto ang pagkalat ng disinformation.
Nagkaisa ang Republicans at mga Democrat senatora na kailangan ang mga pagbabago sa kompanya – isang bihirang paksa ng kasunduan sa pagitan ng dalawang partidong magkaribal.
Sa isang pahayag na inisyu matapos ang pagdinig, sinabi ng Facebook na hindi ito sang-ayon sa “paglalarawan ni Ms Haugen sa maraming mga isyu na pinatotohanan niya.”
Ngunit sumang-ayon ito na “oras na upang magsimulang lumikha ng karaniwang mga patakaran para sa internet.”
Ibinunyag din ni Haugen na marami siyang hinahawakan na mga internal Facebook documents na nagpapatunay na ang Instagram app ay nakakapinsala raw sa mental health ng mga babae.
Sa kaniyang testimoniya, iginiit nito na alam ng Facebook at Instagram company na magiging ligtas sa mga user sa paggamit nito ngunit wala silang ginagawang aksiyon dahil daw mas mahalaga sa kanila ang kumita kaysa kapakanan ng mga tao.
Pinuri naman nito ang nangyaring massive outage ng Facebook kahapon na nakakaapekto sa libu-libong mga users sa buong mundo.
Kaugnay nito, hinimok ng dating empleyado ang mga senador na kumilos sa lalong madaling panahon.
Pinabulaanan naman ng Facebook ang akusasyon ni Haugen at ipinagtanggol ang record ng kaligtasan nito. (with reports from Bombo Jane Buna)