-- Advertisements --

Tinuligsa ng Department of the Interior and Local and Government (DILG) ang Facebook sa pag-flag ng post ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. kung saan hinimok niya ang mga Pilipino na magkaisa para wakasan ang communist insurgency.

Binatikos ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya ang social media giant para sa kanilang kawalang-ingat at katapangan na maglabas ng babala sa national security adviser ng bansa.

Ayon kay Malaya, tagapagsalita din ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, ang hakbang na ito ng Facebook ay “nakakaalarma, kung hindi man mapanganib” dahil maaari nitong “censure at their discretion” ang mga post ng “highly respected officials of the country.”

Hinimok ng opisyal ang Facebook na muling bisitahin at baguhin ang mga pamantayan nito na “malinaw na isang panig at nagsisilbing isulong ang interes ng iilan at ng makapangyarihan.”

Magugunitang, kinuwestiyon ni Esperon ang social networking site matapos siyang makatanggap ng babala para sa kanyang post.