-- Advertisements --

Wala umanong balak ang social networkng giant na Facebook na bawiin ang suspensyon na ipinataw kay outgoing US President Donald Trump.

“Our ban is indefinite. We have said at least through the transition. But we have no plans to lift it,” wika ni Facebook chief operating officer Sheryl Sandberg.

Noong nakaraang linggo nang suspendihin ng social network ang Facebook at Instagram accounts ni Trump matapos ang nangyaring pagsalakay ng mga tagasuporta nito sa US Capitol.

Maging ang Twitter, Snapchat at Twitch accounts ni Trump ay suspendido rin.

“Our policies are applied to everyone,” ani Sandberg. “This shows that even a president is not above the policies we have.”

Una nang sinabi ni Facebook chief Mark Zuckerberg na ginamit umano ni Trump ang platform upang mang-udyok ng karahasan. (AFP)