-- Advertisements --
Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa paggamit ng mga mga face masks at face shield ay hindi maaaring gawing pamalit sa ibang mga public health measures.
Sinabi ni WHO technical lead for COVID-19 Maria Van Kerkhove, na kahit na nakasuot ng mga mask ang mga tao ay dapat obserbahin pa rin ang ipinapatupad na protocol partikular na ang social distancing.
Hindi kasi dapat gawing pamalit ang mga mask sa proper hygiene gaya ng paghuhugas ng kamay, physical distancing, testing , contact tracing.
Dapat aniya ay gawin bilang isang comprehensive approach.