-- Advertisements --

Hindi na nakapagpigil pa si Sen. Risa Hontiveros na tawagin ang pansin ng kaniyang mga kapwa senador ytungkol sa sports facilities na itinayo ng gobyerno noong 2019 South East Asian Games.

Ayon kay Hontiveros, base sa kaniyang pagsisiyasat ay kapansin-pansin umano ang degree of collusion sa pondo at konstruksyon ng proyekto sa New Clark City.

Sa isinagawang plenary session ng Senado kahapon, inilatag ng senador ang mga umano’y posibleng dahilan kung bakit kailangan ng full-scale imvestigation.

Naniniwala raw ito na peke ang naging joint venture sa pagitan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at MTD Capital Berhad, isang Malaysian infrastructure developer. Kinuwestyon dito ng senadora kung Joint Venture Agreement ba talaga ang nangyari sa dalawa dahil dapat daw ay may ambag ang lahat ng kasali rito.

Pinasusuri rin nito kung ano ang mga naging ambag ng “partners” na BCDA at MTD Berhad.

Kung ang ambag kasi aniya ng BCDA para sa nasabing joint venture ay ang lupang gagamitin para sa proyekto, dapat naman ang sagot ng MTD Berhad ang kapital sa pagpapatayo ng pasilidad dito.

Tinatayang aabot ng P8.5 billion anbg dapat ilabas ng nasabing Malaysian firm para sa konstruksyon ng proyekto. Subalit, ayon umano sa pagsasaliksik ng kampo ni Hontiveros ay mukhang hindi sa kanila nanggaling ang pera.

Ang pera raw kasi na ginamit para sa proyekto ay mula sa Development Bank of the Philippines, na siyang nagpa-utang ng P9.5 billion sa MTD Berhad. Wala na nga raw cash-in ang MTD Berhad ay n dinagdagan pa ng isang bilyong piso ang kanilang proposal.

Tinanong din ng senadora kung saan kinuha ng MTD Berhad ang kanilang pambayad sa P9.5 billion nitong utang.