-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pag-kumpleto ng mga pasilidad sa dating domestic airport ng Cagayan de Oro City upang maging headquarters ng 15th Strike Wing ng Philippine Air Force.

Ito ang paglalahad ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr alinsunod ng kanyang pagsagawa ng facilities inspection sa dating Lumbia Airport na kasalukuyang tactical operation grupo ng PAF.

Sa pagharap ng kalihim sa prensa, sinabi nito kailangang makumpleto na ang pasilidad na ito bilang maintenance at training locations ng PAF Strike Wing.

Dagdag nito na hindi kalayuan sa site na ito ay ang designate Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na ipapatakbo ng tropang Amerikano.

Maglalaman umano ang EDCA site na ito ng kagamitan sa tropang Kano alang sa huminatarian assistance ug disaster response para sa area ng Mindanao.

Bagamat tumangi ang kalihim kung magkano ang buong gagastusin ng pagkumpleto ng facility subalit tiniyak nito na pondo ng Philippine Government ang gagamitin habang sariling US funding rin ang EDCA construction ng mga Amerikano sa lugar.